Senado ‘nabiyak” sa panukalang hatiin ang CamSur

MISTULANG nabiyak ang Seando sa panukalang hatiin ang lalawigan ng Camarines Sur na pinagtatalunan ng mag-amang sina Camarines Sur Gov. El-Rey Villafuerte at Rep. Luis Villafuerte matapos magtalo sa plenaryo ang dalawang senador.

Sa araw ng paglilibing kay yumaong Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, nagkaroon naman ng mainitang debate ang ilang senador sa pangunguna ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

May panukala ang nakatatandang Villafuerte na hatiin ang CamSur at lumikha ng Nueva Camarines na mahigpit na tinututulan ng ilang senador na kaalyado ni Sen. Manny Villar.

Bukod kasi sa ginawang report ni Senador Miriam Defensor Santiago, chair ng senate committee on constitutional amendments, revision of codes and laws, hinggil sa House Bill No. 4820 ni Rep. Villafuerte na naglalayong likhain ang lalawigan ng Nueva Camarines, may balak naman si Marcos na gumawa ng sariling committee report.

Nais ni Santiago na talakayin na sa plenaryo ng Senado ang kanyang committee report upang mapagbotohan sa mga darating na araw, pero hinarang ito ni Marcos matapos na magpadala ng liham kay Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III para ipaalam na maglalabas siya ng report hinggil sa naturang panukala.

Ayon kay Sotto, dahil sa naging desisyon ni Marcos na maglabas ng committee report, awtomatikong itatabi muna ang report ni Santiago

Pinaliwanag ni Sotto na ang komite ni Marcos ang siyang “lead committee” habang ang komite ni Santiago ang “secondary committee” kung kayat ang lead committee ang bibigyan ng prayoridad kung ano ang rekomendasyon sa panukala sa paghati ng CamSur.

Nilagdaan ng pitong senador ang report ng senate committee on constitutional amendments, revision of codes and laws, hinggil sa House Bill No. 4820 ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na naglalayong likhain ang lalawigan ng Nueva Camarines.

Kabilang sa lumagda ay si Senador Miriam Defensor Santiago, chair ng komite at ang vice-chairman nitong si Senador Edgardo Angara, mga miyembrong sina Senador Franklin Drilon, Francis “Kiko” Pangilinan, Lito Lapid at ex-officio members na sina Senador Jinggoy Estrada at Vicente “Tito” Sotto III.

Hindi naman lumagda sina Senador Manny Villar, Panfilo Lacson, Marcos Jr., Antonio Trillanes IV, Aquilino Pimentel III at Alan Peter Cayetano.

Nauna nang bumuo ng posisyon ang Nacionalista Party (NP) na kinabibilangan nina Villar, Trillanes, Marcos at Cayetano kontra sa paghati ng Camarines Sur.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply