Senate probe sa pagkamatay ng San Beda law student sa hazing, ikinasa

INATASAN ni Senate President Juan Ponce Enrile ang dalawang komite ng Senado na kaagad magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Marc Andrei Marcos, isang law student ng San Beda College,  namatay sa hazing nitong LInggo sa Cavite.

“The Senate President has directed the Senate Committee on Public Order to conduct a hearing in an aid of legislation to look the possibility of amending the law to address this problem once and for all including police protection if warranted for the family and witnesses will be coming forward,” ayon kay Sen. Gregorio Honasan.

“The SP said that this is important matter that must be address once and for all,” dagdag  ni Honasan.

Napagkasunduan ito, ayon kay Honasan, matapos dumalaw at humingi ng tulong ang pamilya ni Marcos kay Enrile upang maimbestigahan ang pangyayari at mabigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima sa kamay ng kanyang mga brod sa fraternity.

“The family of the victim went here with Attry. Jose Vener Ibarra, “ ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto.

Sinabi ni Honasan na isesentro ang imbestigasyon sa kahinaan ng Anti- Hazing Law at makabuo ng panibago upang mapalakas ang batas at pagsama-samahin ang nakabinbin na panukala sa Senado na may layunin na amendahan ang batas.

“Meron naman pero titignan nating ‘yung weaknesses ng law and the need for a new law if necessary that was the directive of the Senate President,” ayon kay Honasan.

“The current case is already being investigated and the committee on public order will make sure that the investigation is accelerated,” dagdag ni Sotto.

Tiniyak pa nina Sotto at Honasan na isang manipestasyon sa pagkamatay ni Marcos ang ihahain sa Senado sa Lunes upang mabigyan ng kapangyarihan ang Senate committee on public order and illegal drugs na imbestigahan ang insidente.

“Malamang sa Tuesday, it will be manifested on the floor on a matter of public interest by the majority leader and automatically refer to the appropriate committee on public order,” ayon kay Honasan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply