Senator Pimentel, guest candidate na ng LP

PERSONAL na inanunsyo ni Senator Aquilino Pimentel III na tinanggap na niya ang imbitasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na tumakbo siya bilang guest candidate sa Senatorial slate ng Liberal Party sa 2013 midterm polls.

“I would like to announce that I have accepted the President’s invitation for me to join and be part of his senatorial ticket for 2013,” aniya sa isang panayam sa Press Working Area (PWA) matapos ang sandaling pakikipagpulong kay Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, labis niyang pinasasalamatan si Pangulong Aquino sa dalawang kamay na pagtanggap sa kanya matapos iwanan ang United Nationalist Alliance (UNA), ang koalisyong binuo ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) ni Vice President Jejomar Binay at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulong Joseph Estrada.

“I would like to thank the President for inviting me, at tulad ng sinabi niya sa akin noon, ‘You will always have a home here,’ so I really feel at home and welcome in the President’s ticket,” anito.

Sa ulat, inabandona niya ang UNA dahil sa isinama sa kanilang koalisyon si dating Senator Juan Miguel Zubiri, na iprinoklama ng Commission on Elections bilang ika-12 na panalong senador noong 2007 polls.

Habang bumitiw naman si Zubiri sa kanyang posisyon noong Agosto 2011 matapos maglabasan ang mga testimonya tungkol sa dayaan umano noong 2007 polls.

Sinabi ni Senador Pimentel, malapit nang mabuo ang senatorial plate ng LP at “excited” na si Aquino na mangampanya para sa kanyang partido.

Si Aquino ang tumatayong national chairman ng LP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply