Senglot dumayb sa bahang underpass, patay

KULAY talong na nang maiahon ang katawan ng isang lasing na lalaki matapos dumayb at malunod sa ilalim ng Recto underpass na punong-puno ng tubig baha sa may Quiapo, Maynila.

Kinilala ni P/Sr., Insp. Joey De Ocampo hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Ronald Vasquez, 34, fixer ng No. 324 Oroquieta St., Sta. Cruz Maynila

Sa report ni PO3 Rodel Benitez, dakong alas-5:30 ng kahapon nang maganap ang insidente sa Recto underpass sa tabi ng Isetann Shopping Center sa Quezon Blvd., Quiapo Maynila.

Nauna rito, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan sa lugar nang sunduin ito ng kanyang maybahay dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Sa kalasingan ng biktima ay nagawa pa nitong magbiro sa asawa na magaling itong lumangoy nang bigla na lamang siyang tumalon sa napakalalim ng tubig baha sa ilalim ng nasabing underpass.

Hindi naman ito napigilan ng ginang at pagkalipas ng ilang minuto ay hindi na nakaahon pa ang biktima dahilan upang humingi ng tulong ang misis nito sa mga tao sa lugar.

Nang maiahon ay wala nang saplot pang-ibaba ang bitkima at agad na isinugod sa Fabella Hospital ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply