Senglot na amo sinuwag ng kalabaw sa Aklan

LAYLAY ang balikat ng isang lasing na magsasaka nang suwagin ng kanyang alagang kalabaw  matapos hagupitin ng kawayan para tumakbo sa Aklan nitong Martes ng gabi, Agosto 7.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital sanhi ng malaking sugat sa kaliwang balikat si Pepito Andrade, 45, ng Cabangila, Altavas.

Inilagay naman sa kanyang kulungan ng mga kapwa magsasaka ng biktima ang alagang kalabaw nito para makalma.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:30 nitong Martes ng gabi sa isang palayan na ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Bago ito, mula sa inuman ang biktima at ang kanyang pinsan saka dinaanan sa palayan ang kanyang alagang kalabaw para dalhin sa kanyang bahay.

Pero nang sasakay na ang biktima, umalma ang kanyang alagang hayup at sa galit ng biktima ay hinataw niya ito ng kawayan sa katawan.

Dahil sa gulat at nasaktan na rin, sinuwag ng naturang hayup ang kanyang amo sa balikat.

Sa kabutihang palad, nahatak naman agad ng pinsan ng biktima ang tali na nakapasok sa ilong ng naturang hayup kaya tumigil ito sa pag-alma.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply