Sereno hinamon sa radikal na reporma sa SC

HINAMON ng isang senador si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na magpatupad ng radikal na reporma hindi lamang sa Supreme Court kundi maging sa buong Hudikatura.

Sa panayam nitong Linggo, sinabi ni Senador Edgardo Angara na kahit hindi pangkaraniwang pangyayari ang pagkakatalaga kay Sereno, umaasa naman siyang maipatutupad nito ang lubusang reporma sa sistema ng pagbibigay ng katarungan sa bansa.

“I am convinced that she can institute radical reforms , not ordinary reforms because reforms is on-going but a reform that will change the complexion and respect of the Highest Court of the land and the Judiciary as a whole,” ayon kay Angara.

“As a new leader, you have to relate with them and know how to work together. More matter how brilliant you are, you cannot able to implement what every reforms you want to implement, without collegial and collaborative work,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Angara na kahit unprecedented kay Sereno ang pagkakatagala dito bilang CJ, unprecedented din ang ginawang pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Benigno Aquino III dahil kauna-unahan siyang babaeng Chief Justice ngunit hindi naman awtomatikong magiging sunud-sunuran na lamang siya sa Palasyo.

Dahil dito, sinabi ni Angara na malabong maging Aquino Court ang Mataas na Hukuman dahil isa itong collegial body na palaging nagwawagi ang karamihan sa anumang magiging desisyon nito bukod sa may matataas na pinag-aralan at katalinuhan ang bawat miyembro nito na may indibiduwal na reputasyon at track records na pinangangalagaan.

“I am sure the SC, is a collegial body, and in the end, they are compelled to work together as a team, and to act and consult each other because that is the system of a Supreme Court.  On the part of the new chief justice, she should have a people’s skill, so she can relate to other because the 15 members of the Supreme Court are high powered court, they are all intellectuals, they are specialists, on their respective fields, they have their own reputation and track record, and they are more mortal than ordinary like us.,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply