Sereno manunumpa na bilang bagong CJ ng SC

AGAD manunumpa bukas, Agosto 25 si bagong Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kay Pangulong Benigno Aquino III sa President’s Hall sa Kalayaan Hall, Malakanyang.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, nagkausap na sina Pangulong Aquino at Sereno sa bagay na ito dahilan upang magpunta ang huli sa Malakanyang kaninang alas-3:30 ng hapon.

“She was surprised,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa kabilang dako, sinabi ng opisyal na dalawang araw niyang kinausap ang 8 nominado kasama si Sereno sa Malakanyang.

Bukod kay Sereno, kasama rin sa shortlist na ibinigay ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Aquino sina Acting Chief Justice Antonio T. Carpio, Supreme Court Justices Roberto A. Abad at Arturo D. Brion, Solicitor General Francis H. Jardeleza, dating executive secretary Ronaldo B. Zamora, Supreme Court Justice Teresita J. Leonardo de Castro, at Ateneo de Manila University law dean Cesar L. Villanueva.

Pinabulaanan naman nito ang ulat na madalian ang pagkakapili kay Sereno dahil sa Agosto 27 pa sana ang deadline ng Pangulo sa pagpili ng magiging kapalit ni dating SC Chief Justice Renato Corona.

May mandato aniya ang Pangulong Aquino na naaayon sa Saligang Batas na pumili ng bagong SC Chief Justice.

Samantala, wala namang ideya si Sec. Lacierda kung kinonsulta pa ni Pangulong Aquino ang kahit na anumang grupo at organisasyon sa pagpili niya kay Sereno.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply