Sereno manunumpa ngayon sa Malakanyang

MANUNUMPA ngayong umaga ang bagong talagang Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Gagawin ang panunumpa ni Sereno kay Pangulong Benigno Aquino III dakong alas-10:00 ngayong umaga sa Malakanyang.

Kahapon lamang inappoint ng Pangulo si Sereno bilang bagong Chief Justice ng SC kung saan nangako naman ito na magiging tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Si Sereno ay kabilang sa walong nominado sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council sa Pangulo.

Nagpasalamat naman ang bagong Punong Mahistrado kay Pangulong Aquino sa pagkakapili sa kanya na bagong mamumuno ng Kataas-taasang Hukuman.

Si Sereno din ang kauna-unahang Pinay Chief Justice na manunungkulan ng 18 taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply