Sesyon ng Kamara bukas, kanselado na

KAALINSABAY ng maagang pahayag ng mga lokal na pamahalaan kaugnay sa kanselasyon ng klase bukas, nagpaabot na rin po ng panawagan ang liderato ng Kamara de Representantes na suspendido na ang sesyon bukas.

Sa isang advisory mula kay House Secretary General Marilyn Barua-Yap, na minarapat ng liderato ng Kamara na suspendihin ang sesyon bukas, Miyerkules, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na madamayan ang kanilang mga constituents na sinalanta ng baha.

Ang advisory ay ipinadala sa pamamagitan ng text ni Executive Director Rica dela Cuesta na nagpapahayag na” We are suspending session on Wednesday, August 8 to enable our House members to undertake coordinated relief assistance and rehabilitation operations in their respective districts.”

Kagabi ay naging maagap din ang liderato ng Kamara sa pagpapakalat ng suspensyon ng sesyon sa araw na ito kasunod ng halos magdamag na pag-ulan na nagresulta ng malawak na pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kungdi sa mga kalapit lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply