Shabu lab sinalakay, 5 Taiwanese national arestado

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang shabu labotatory na nagresulta sa pagkakadakip sa limang dayuhan sa Paranaque City.

Ayon kay Supt. Ismael Fajardo ng PNP Anti-illegal Drug Special Operations Force unit 3, matagal na nilang sinusubaybayan ang naturang lugar nang maghinala ang mga residente na mayroong pinapasok na kemikal sa loob ng compaound.

Nakakuha umano ng seach warrant ang awtoridad kaya sinalakay ang bahay at natagpuan ang isang kitchen-type na shabu laboratory .

Bukod sa mga suspek ay nakuha pa ng mga awtoridad ang tinatayang P150 milyong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang subdivision at inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek pati na ang may-ari ng bahay na ginawang shabu lab.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply