Shabu lab sinalakay: Customs broker sabit

SABIT ang isang customs broker sa imbestigasyong isinasagawa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force makaraang salakayin ang isang shabu laboratory sa Parañaque City.

Natuklasan ng mga awtoridad na ang bahay sa Santisima Trinidad Street sa San Antonio Valley 12 sa Paranaque City na ginawang shabu lab ng mga suspek na Taiwanese ay inuupahan ng isang customs broker na nakilalang si David Du.

Base sa mga dokumentong nakalap ni Superintendent Ismael Fajardo, hepe ng AIDSOTF, inuupahan ni Du sa halagang P27,000 bawat buwan simula pa noong 2008 hanggang nitong buwan ng Agosto ang nasabing bahay na ginawang shabu lab. Ikinasa naman ang pagsalakay dito noong Agosto 19.

Natiktikan pa sa surveillnce operations ng AIDSOTF ang pagpasok ng isa sa mga van na pag-aari ng brokerage firm ni Du sa loob ng compound kung saan naroon ang shabu lab.

Nakarekober ang mga pulis sa lugar ng mga kemikal at shabu na nagkakahalaga ng P150 milyon.

Nadakip naman ang mga Taiwanese nationals na sina Tsai Horng, Yu Kn Lin, Huang Yung, Yung Chun, Cheng Yu Teng at Hsu Yun Pong.

Ayon sa mga Taiwanese narito sila sa bansa para bumili ng mga halamang bonsai at dalhin sa Taiwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply