Shalala at Kuya Germs magkakasamang muli?

MORE than a month na buhat nang bumalik sa bansa si Nora Aunor pero hanggang ngayon ay may gap pa rin sila ni Kuya Germs (German Moreno).

Hindi pa rin nakapag-uusap ang mag-best friend na nagkatampuhan sa ilang bagay lamang.

Nang nakausap namin sa set ng Party Pilipinas si Kuya Germs, ayaw na niyang magsalita hinggil sa issue nila ni Ate Guy. Katwiran niya ay mismo raw sa Superstar nanggaling na huwag na siyang magsalita hinggil sa pangangaral niya.

Hindi raw alam ni Kuya Germs kung ano ang mangyayari sa kanila ni Ate Guy sakaling magkita silang muli. Dahil magkaibigan naman sila, tiyak magbabatian naman silang dalawa.

Samantala, nasabi ni Kuya Germs na may posibilidad na mag-guest sa programa niya o makasama muli ang dating close friend niyang si Shalala. Wala na kasing programa ito sa TV5 kaya pwede siyang lumabas muli sa Walang Tulugan o sa radio program niya.

Sabi ni Kuya Germs ay guest, guest lang muna.

***

FORMALLY, nag-sign-up na last August 16, 2012 si Derrick Monasterio bilang youth advocate Drug Abuse Prevention and Control project ng National Youth Commission.

Napili si Derrick ng NYC, ayon kay Commissioner Earl P. Saavedra, bilang perfect choice to be their youth advocate.

Ayon kay Com. Saadvedra: “We know that Derrick’s character is definitely a good image of a typical Fi- lipino youth. He is an example of somebody who shows to the young how they must conduct themselves.

“Magaling si Derrick in terms of talent, magaling siya in terms of pakikipaghalubilo. Yun ang gusto natin sa isang kabataang Filipino. May proper appreciation of values and may proper appreciation of the righteousness that they have to bear within themselves.”

Makakasama si Derrick ng iba’t ibang youth leaders sa bansa para isakatuparan ang advocate laban sa youth drug abuse.

Naniniwala ang NYC na mai-inspire ng young actor ang 27.8 million youth sa bansa na umiwas sa ipinagbabawal na gamot. Bagkus, tularan nila ang tulad ni Derrick na ginugugol ang kanyang kabataan sa mga makabuluhang bagay. Bukod sa pagiging artista, na busy sa taping at shootings, may panahon pa rin si Derrick sa pag-aaral.

Busy ang actor ngayon bilang isa sa lead stars ng Luna Blanca na love interest ni Barbie Forteza. Kasama rin sa Luna Blanca si Bea Binene bilang si Luna at partner niya si Kristoffer Martin.

Ani Derrick: “Feeling ko po nabigyan ako ng napakalaking responsibility at syempre I will do my best para ma-meet yung expectations nila, gagawin ko po ang lahat para makutulong sa pagpapahinto ng mga paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, lalo na sa kabataan.”

***

NAGHAHANDA na si Cong. Manny Pacquiao sa pagdadala ng Manny Many Prizes sa California ngayong buwan ng September. Dalawang episode ang gagawing live roon ng Pambansang Kamao.

Kasama lahat ang mga host ng show na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang kanilang trip sa US. Buong staff ng MMP ay dadalhin ni Manny. Balitang ayos na rin ang mga papeles ng staff.

Samantala, isang milyong piso ang nakatayang ipamigay ngayong Linggo! Mga kapusong makararating sa studio ang may pagkakataong makapaglaro rito para sa Easy Manny!
Abangan rin ang mga pangalan ng maswerteng mga nabunot ni Ninong mula sa Luzon, Visayas at Mindanao mula sa mga masugid na nagtext para makasali.

Sa kantahan, mga chikiting naman ang magpapakita ng kanilang talento! Walang atrasan sa showdown ng biritan sa Boksing-along Junior Division!

Sina Pekto at John Feir, mangangatok at manonorpresang muli! Isang maswerteng pamilya ang kanilang bibisitahin at hahatiran ng bagong hamon ni Ninong! Kung ano ito, yan ang dapat nating abangan!

Isang oras na puno ng premyo at kanta-tawanan! Ngayong Linggo sa Manny Many Prizes, 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply