Sharon Cuneta: From Megastar to Ampalaya Queen!

MAY pagka-ampalaya, bitter, that is, si Sharon Cuneta kapag pinag-uusapan ang diumano’y napipintong pagsibak sa kanyang show sa TV5.

Sa Paparazzi last Saturday, klinaro ni Megastar Sharon Cuneta na walang katotohanan ang mga lumalabas na tsis- mis na matsutsugi na ang kanyang show sa TV5.

“Ako na magbubukas nito. Gusto ko nang linawin, eh. At alam naman natin ’yan, na parang masisibak na ’yung show in a month, na mayroon na raw hinahandang ibang show na papalit,” sabi ni Mega.

Hindi nga itinago ni Shawie ang pagka-imbiyerna sa detractor na parati raw nagsusulat ng mga negatibo tungkol sa kanya.

“Siya rin ho ang nagsabi na sa napakalaking news daw na lumipat ako sa Channel 5 ng kung anu-anong ganyan-gan- yan, ’yun pala, nag-decide raw ’yung mga boss na once a week na lang ’yung show ko gagawin, ’di everyday, eh, hindi pa lumalabas ang show nu’n,” say ni Shawie na ang tinutukoy ay ang kanyang detractor.

Lahat daw ng sinulat nito ay puro mali at kasinungalingan.

“Tapos, this time, hindi ko alam kung sino ’yung source niyang mali. Ano ba source niya, Pasig River?” natata- wa pang sabi ni Megastar.

Natanong din kay Shawie kung bakit tila nagiging sensitibo siya ngayon. Nito kasing mga nakaraang buwan, na- ging kontrobersyal ang Megastar dahil sa “violent reactions” sa mga basher niya sa Twitter.

Say ni Shawie, hindi raw siguro sensitive kundi mas palaban na siya ngayon.

“Kumbaga, nauntog na ako. Kasi noon, kahit anong gawin sa akin, lulunukin ko na lang.

Parang, move on, move on, move on.’ Pagka po pamilya ko na, ’pag mahal mo sa buhay (natututo kang lumaban),” pahayag pa ni Shawie.

Oo nga naman!

Pinagtulungang sabunutan, sampalin, tadyakan at sipain si Alex Gonzaga nina Meg Imperial at Gladys Reyes

Balik-primetime si Alex Gonzaga in TV5’s first eco-fantasya, Enchanted Garden. “Just like in Babaeng Hampas- lupa last year, anak ako uli rito ni Alice Dixson na ninakaw sa kanya at pinalaki ng iba,” she says. “Hindi ko alam na anak pala ako ng princess from the fantasy world called Eden at royalty pala ako. Inaapi ako rito ng maraming contravida, isa na si Meg Imperial. Sa scene na ginugulpi niya ako, hindi natuwa si Direk Joel Lama- ngan and he demonstrated kung paano ang dapat gawin sa’kin.

“Talagang sinabunutan niya ako nang todo. E, kababalik ko lang naman from the U.S. at may jetlag pa ko, so na- katulong ‘yun para magising ako nang husto. E, hindi pa pala tapos.

After Meg, si Gladys Reyes naman ang umapi sa’kin at sinabunutan rin ako. Muntik na maubos ang buhok ko. Gusto ko nang magpa-double o gumamit ng wig at yung wig na lang ang sabunutan nila.

“Hindi lang basta sabunot ‘yun kasi may kasama pang sampal, hampas, sipa at ngudngod sa lupa at putik. “Masyadong pisikal ang requirements ng role ko. Wala akong lines, basta ginugulpi lang ako. Kaya lahat sila, after the take, sorry nang sorry sa’kin, pati si Direk Joel.

Anak ang tawag sa’kin at pinapakain ako matapos akong magulpi.”

Does she complain? “No, alam ko namang ginagawa lang ‘yun para mas mapaganda ang eksena. Part ng work ko bi- lang artista. Tiis na lang. Bawi naman ako pagdating ng ‘Juicy’.

Nakaupo lang kami’t biruan ng biruan, tsismi-san nang tsismisan, so balanse lang.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply