‘Shiming nakaharang sa dadaanan ni Barriga’

HINDI nahirapang pumasok sa round-of-16 light flyweight 49 kg. si Pinoy bet Mark Barriga subalit inaasahang sisikip ang butas na kanyang papasukin sa susunod na round lalo na sa round-of-8 sa 30th London Olympics boxing competition.

Ginulpi ng 19 anyos Barriga si Italian pug Manuel Cappai, 17-7 sa round-of-32 kagabi upang iayos ang duelo laban kay Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan sa last 16.

Sakaling manaig ang pambato ng Pinas na si Barriga kay Zhakypov ay susunod nitong makakalaban ang mananalo sa pagitan niNA top seed Zou Shiming ng China at delikadong Cuban boxer na si Yosbany Sotto Veitia sa quarterfinals.

Tinalo ni Shiming si Barriga sa quarterfinals ng world championship sa Azerbaijan noong Oktubre 2011 subalit ayon kay coach Roel velasco ay nakahanda sila kung sakaling makakalaban nila muli ang tsinoy.

Si Shiming ang bronze medalist sa 2004 sa Athens at gold medalist sa Beijing noong 2008 kaya naman siya ang halos pinaghahandaan ng mga boksingero.

Sa Sabado ang upakan nina Barriga at Zhakypov.

Samantala, sa unang round nakalamang agad si Barriga ng 5-2 at sa round 2 ay hindi ito nagpabaya kaya lumaki ang agwat matapos ang 4-2 bentahe.

Sa huling round ay binanatan ng todo ni Barriga ang Italyano upang siguruhin ang pagsampa nito sa susunod na round.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply