Si Angelica kasi ang tunay: Bea mistress na lang ni John Lloyd!

MAY mga biruan na si Bea Alonzo ay mistress daw ngayon ni John Lloyd Cruz dahil ang tunay na karelasyon ng binata ay si Angelica Panganiban bagama’t ang original talagang naging ka-on ng aktor ay si Bea.

Pero ang pagiging kabit ay walang kaugnayan sa isyung ito dahil ayon kay Bea, ang “The Mistress” ay maituturing na engrandeng pagdiriwang ng 10th anniversary ng love team nila John Lloyd. “Nakatutuwa kasi ang layo na nang narating nung relasyon namin bilang magkatrabaho. Isang dekada na,” ani Bea. “Honestly, bawat project ay iniisip namin baka last na, kagaya ng ‘One More Chance’ at ‘Miss You Like Crazy,’ pero hindi. Kaya sobra po talaga ang pasasalamat namin sa mga naniwala at sumusuporta sa amin sa loob ng 10 taon.”

“Hanggang ngayon, napatutulala pa rin ako kung pa’no niya dinideliver ang roles niya, he’s such a good actor. Everytime na magkatrabaho kami ni Lloydie parang may sense of familiarity ka yet it’s always refreshing kasi palagi siyang may binibigay na bago, ‘yung talagang mapapasabi ka ng ‘uy bago yun ah,” dagdag ni Bea.

Sa sampung taon nilang samahan ni John Lloyd at sa isang dekada rin niya sa Star Cinema, ang naturang pelikula na raw ang pinakamatapang na proyektong nagawa ng dalaga bilang aktres. “Seriously, kinakabahan talaga ako hanggang ngayon.

Nagdalawang isip ako noong una kung kaya ko siyang gawin kasi nasanay na ako sa comfort zone ko na ano ako yung regular na mabait na character. By far, ito pinakamatapang na movie ko dahil marami akong ginawa dito na never ko pa nagawa sa teleserye man o pelikula. Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena,” paliwanag pa ni Ms. Alonzo.

Dahil sa maseselang eksena na first time na ginawa ni Bea, laking pasalamat niya sa suporta sa kanya ng kanyang leading man.

“Jackpot talaga ako na John Lloyd ang kasama ko sa ‘The Mistress.’ He’s very generous when it comes to giving emotions and giving me reactions sa scenes ko kahit hindi niya shot. He’s very supportive,” aniya. “Mas lalo akong nagpupursige kasi iniisip ko siya nga, he’s on top right now, halos lahat ng award-giving bodies kinilala na siya, pero hindi siya nagkakampante. Madadala ka kapag makikita mo kung paano siya nagko-concentrate, nagre-research, at kung gaano kalaki ‘yung dedication na binibigay niya sa trabaho.”

Sa first-ever ‘bravest’ film nila ng magaling na aktor, baon daw ng siyota ni Zanjoe Marudo ang mga ‘pinagdaanan’ niya sa nakaraang sampung taon. “Baon ko rito ang lahat nang memories at mga pinagdaanan ko, good times and bad times. Nag-grow ako as an actress dahil sa lahat ng experiences na ‘yun.”

Sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan, ang “The Mistress,” ayon kay Bea, ay isang napakagandang ‘imperfect love story.’

Aniya, “Siguro habambuhay kong pagsisisihan kung nag-‘no’ ako sa pelikulang ito. Kailangan mo siyang panoorin para ma-discover mo na may another form of love, mayroong imperfect love story pero mararamdaman mo it’s a perfect feeling at maintindihan nating may mga bagay na hindi binibigay sa atin para maging happily ever after ang love story natin pero para matuto ka.”

Ang “The Mistress” ay hindi ordinaryong kuwento ng pag-ibig nina Sari Alfonso (Bea) at JD Torres (John Lloyd) na pinagkrus ang landas sa hindi inaasahang pagkakataon. Ano ang gagawin mo kung ang kaisa-isang minamahal mo ay pagmamay-ari na ng iba?

Mapanonood na ang “The Mistress” sa mga sinehan nationwide sa September 12, 2012.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply