Si James Bond at ang kanyang motor

ENGLAND, UK— Mistulang talk of the town ngayon ang motorcycle model ng Honda na CRF 250R matapos ibunyag ng Honda UK ang kanilang opisyal na tie-up sa production team ng pelikulang Skyfall, ang ika-23 na James Bond film.

Dalawang modified na CRF 250R ang makikita sa opening scenes ng pelikula kung saan hinahabol ni James Bond (actor na si Daniel Craig) ang kontrabidang si Patrice (actor na Ola Rapace) sa magulong kalsadang Istanbul at Adana sa Turkey. Parehong motorsiklo ay dinisenyuhan upang bumagay sa script ng pelikula: ang kay Bond ay “dressed-down” at native ang disenyo, habang ang kay Patrice naman ay mukhang motor ng mga pulis sa Turkey.

Maliban sa dalawang yunit, nagpahiram pa ang Honda UK ng 18 pang yunit sa produksyon ng pelikula; dalawa rito ay ginamit upang kunan ang nasabing eksena. Ayon sa stunt coordinator ng Skyfall na si Gary Powell, ang Honda CRF raw ay isang off-road bike namadaling ayusan at bigyan ng karakter nang hindi nakokompromiso ang safety at performance.

Ang pag-anunsiyo at pag-present ng mga nasabing motor sa media ay ginanap sa National Motor Museum sa Beaulieu, Hampshire kung saan kasalukuyang ginanap ang “Bond in Motion” exhibit. Naka-dsiplay sa exhibit ang iba’t ibang souvenir mula sa mga nakalipas ng James Bond films at ang highlight ng exhibit ay ang mga sasakyan at motorsiklong ginamit sa mga pelikula.

Sa kasalukuyan, hindi pa available ang CRF 250R dito sa Pilipinas, ngunit nariyan ang Honda CBR 150R para sa mga off-road riders.

Ang Skyfall ay ipapalabas sa Oct. 31, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply