Sibilyan utas, 3 sugatan sa bakbakan ng BIFF, militar

NAMATAY ang isang sibilyan at tatlo naman ang sugatan makaraang sumalakay ang may mahigit sa 15 armadong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isa na namang military detachment sa boundary ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, North Cotabato.

Nasawi ang sibilyan na si Anwar Langalen ng Barangay Inug-og, Pikit, nang tamaan umano ito ng bala habang tumatawag sa telepono kasabay ng pag-atake ng mga armado.

Nakilala naman ang sugatan na sina Pfc. Jose Morales, 29, ng 7th Infantry Battalion; Cafgu Rafael Palomar, 27, at Audie Servidad, isang nurse na na-assign sa Cruzado Clinic sa Poblacion, Pikit.

Natagpuan naman ng mga pulis sa lugar ang mga  empty shell ng M60 caliber, M14 armalite at garrand rifles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply