Signal number 1 itinaas sa 2 lugar sa Northern Luzon

MATAPOS maging isang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan malapit sa Northern Luzon, itinaas na agad kaninang umaga ng weather forecaster ang Storm Signal Number 1 sa dalawang lugar dito.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA) na ang  tropical depression, na may codename na “Igme,” ay mabagal na kumikilos sa bilis na 280 km silangan timog-silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa 11 a.m. advisory, sinabi ng PAGASA na ang bagyong Igme ay may maximum sustained winds  na 55 kph malapit sa sentro at mabagal na kumikilos ng pa-kanluran.

Sa Lunes ng umaga, inaasahan itong nasa  layong 260 km silangan timog-silangan ng Aparri, Cagayan. Sa Martes naman ng umaga, inaasahan itong  nasa 130 km silangan hilaga-silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa Miyerkules naman ng umaga, tinataya itong nasa 210 km hilaga ng Aparri, Cagayan o nasa Basco, Batanes.

Nasa ilalim na ngayon ng Storm Signal No. 1 ang Isabela at Cagayan.

Sinabi ng PAGASA na ang Igme ay magdadala ng 5 hanggang 15 mm per hour (moderate to heavy) na pag-ulan sa kanyang 400-km diameter.

Sinabi rin na ang Igme ay magpapaigting ng southwest monsoon na magdadala ng mga pag-ulan sa Central at Southern Luzon lalo na sa bahaging kanluran o western section.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply