Sikat na young actor, hunk actor ng malaking TV network talo-talo na!

NAGIGING masyado ng intimate ang closeness ngayon ng sikat na young actor at hunk actor na parehong nakakontrata sa malaking Tv network.

Wala raw kasing araw na hindi nagkikita ang dalawang ito na animo’y kabog pa ang ibang mag-lovers riyan. Nitong nanalanta ang nakakalurkey na ulang Habagat kung saan ayon sa report ay nilubog nito ang 90% ng Metro-Manila, magkasama ang ang mga bidang actor sa ating blind item sa pamimigay ng relief goods sa ating mga kababayang nabiktima ng hagupit ni Habagat.

Kapag maraming tao ay finesse naman ang mga ito pero kapag nasa sasakyan na ay harutan sila nang harutan. At hulaan n’yo kung sino ang mas atat sa dalawa para magkita sila? Zino pa kundi si gwaping na batang aktor na mukhang nag-iba na ng taste ngayon. Kung dati ay papalit-palit ng syota ngayon mas gusto ng taluhin ang kaibigang hunky actor na friend rin ng kanyang sisteraka.

Naku! Ano kaya ang sasabihin ng mga ex ni said young actor kapag nalaman nilang lalaki na ang hanap ng kanilang Papa?

If that his choice? Tanggapin na lang natin gyud!

***

Top 20 sa Protege sa GMA-7 mas may mga ‘K’ kaysa sa Artista Academy ng TV5

WALONG halong pang-iintriga pero nang ipakilala sa amin at mga co-entertainment press ang mga napili ng limang mentors na kabilang ngayon sa Top 20 ng Protege, The Battle for the Big Artista Break na sina Philip Salvador para sa Mindanao, Jolina Magdangal (Visayas), director-actor Ricky Davao (Northern and Central Luzon), seasoned actress and TV director Gina Alajar (Southern Luzon), and multi-awarded actor Roderick Paulate for Mega Manila.

Kapansin-pansin talaga na may mas “K” ang ten boys and ten girls sa Protege kaysa sa Artista Academy ng TV5 na hindi naman artistahin ang mga dating.

Ilan sa mga may malaking potential na na-interview namin ni BFFT Pete A. last Sunday sa First Gala Night ng nasabing artista search sa GMA7 ay sina Mikoy Morales at Mitch Capili na parehong manok ng Visayas, Ruru Madrid na pambato ng Mindanao, Shelley Hipolito from North and Central Luzon, Elle Ramirez at Kelly D ng Mega Manila, Arny Ross na mula naman sa South Luzon at 13 pang mga kasama na pare-parehong star material talaga. Sa mga nabanggit, masyadong naantig ang aming damdamin dito kay Kelly D na mula sa lugar ng sikat na Tweenhearts lead actor na si Jake Vargas sa Olongapo.

Her dad is councilor and employee naman ng call center sa Olongapo ang kanyang mother. Ayon pa sa isa sa aspirants (Kelly) ng Protege, dahil sa kapos sila sa pera may pagkakataon na hindi siya nakababayad ng tuition fee kaya di siya nakapag-e-exam.

4th year High School na siya sa Virgen Delos Remedios College sa Olongapo. Lima raw silang magkakapatid at kaya siya nagpursigeng mag-audition sa Protege ay para sa kapakanan ng kanyang mga kapatid at gusto niyang mapag-aral ang mga ito. Si Kelly ang panganay sa magkakapatid.

Well, nang iparinig sa amin ng pretty 15 year old, at 4’10 ang height ang kanyang singing talent kung saan ina-idolize nito ang international singer na si Taylor Swift. Kaagad kaming napahanga ng nabanggit na contestant. Aba! Gayang-gaya nito ang boses ng kanyang idolo ng kantahin niya sa harapan namin ang hit song ni Taylor na “I’d Lie” na tuwing kinakanta ni Kelly ay with matching guitar. At hindi lang ang maging artista ang pangarap ng petite aspirant kundi ang maging recording artist rin.

Nagpapasalamat pala siya ng lubos sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng malaking oportunidad na ito ganon na rin sa kanilang mentor na si Roderick Paulate. And guess what? 12 million pesos worth of cash prizes and a management contract ang puwedeng mapanalunan ng one male and female protege. Sa ngayon ay nasa kanilang quarters na ang ang mga nasabing Top 20’s. Mapapanood ang Protege The Battle For The Big Artista Break tuwing Linggo pagkatapos ng IBilib sa Sunday Grande at weeknights, 10:30 pm (Mon-Thurs) and 10:15 pm every Fridays on GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply