Simbahan sa Europe, Latin America gayahin

TALIWAS sa ginagawang pagkontra ng Simabahang Katoliko sa Pilipinas sa kontrobersyal na Reproductive Health bill, ang mga simbahan naman sa Europe at Latin America ay matagal ng hinayaan ang polisiya kaugnay sa family planning, kabilang na ang pagpili sa paggamit ng contraceptives.

Ito ,ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang dahilan kung bakit mas mababa ang population growth rates (PGR) at mataas naman ang contraceptive prevalence rates (CPR) o paggamit ng contraceptives ng mga nasabing bansa kumpara sa Pilipinas.

Inihalimbawa ni Lagman ang mga bansang Poland, Portugal, Italy, France, Spain, Argentina at Brazil na may PGRs na 0.07%, 0.18%, 0.3%, 0.4%, 0.6%, 0.9% at 1.01% habang ang Pilipinas ay nasa 1.9%.

Sa isyu naman ng CPR, ang Brazil, Argentina, France, Portugal, Spain at Italy ay may 81%, 78%, 71%, 67%, 66% at 60% kumpara sa bansa na 50%.

“The leadership of the Catholic Church in the Philippines is out of touch with the sentiments and preferences of the Catholic majority on the reproductive health issue,” giit ni Lagman.

Sinabi pa ni Lagman na lumilitaw din sa mga nationwide surveys na 71% ng mga Katoliko ang pabor sa pagpasa ng RH bill; 76% ng mga Katoliko ang pabor na magkaroon ng batas para sa pagtuturo ng family planning sa mga kabataan at 68% ang naniniwala na kailangang may batas na nag-aatas sa gobyerno para mamahagi ng contraceptives.

Ang iba pang relihiyon tulad ng Iglesia ni Cristo at mga Muslim ay sumusuporta sa RH bill.

Maging ang Interfaith Partnership, isang organisasyon ng Christian Churches ay sumusuporta din sa RH bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply