Sin Tax bill tablado kina Enrile at Marcos

KAHIT bitbit ang ilang datos na kumakain ng malaking halaga sa ekonomiya at marami ang nangangamatay sa paninigarilyo, tablado pa rin kina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang isinusulong na Sin Tax Bill.

Sa panayam, matapos ang pagdinig nitong Huwebes ng Senate committee on ways and means, sinabi nina Enrile at Marcos na walang katiyakan na mababawasan ang naninigarilyo at umiinom ng alak sakaling itaas nang todo ang buwis sa naturang produkto.

“Walang garantiya na sakaling maipasa ang sin tax bill, mababawasan ang konsumo at madadagdagan ang kita ng pamahalaan,” ayon kay Enrile.

Ipinagmalaki pa ni Enrile na nagsimula siyang manigarilyo noong siyam na taong gulang pa lamang siya, at huminto nang umedad ng 65, ngunit hindi siya nakaranas ng sakit na may kinalaman sa tabako.

“In rural areas, where I grew up, I hardly know anybody who died of cancer and we have tobacco everywhere in Cagayan,” ayon kay Enrile.

Ikinatwiran naman ni Marcos na lubhang maapektuhan ng panibagong buwis ang kabuhayan ng magsasaka ng tabako dahil walang nakatakda sa batas na mabibiyayaan sila sa kita ng pamahalaan.

“Let’s see it first since it will affect tobacco farmers. Besides, we should study the taxation scheme to be implemented. Bakit hindi pantay-pantay ang taxation on tobacco and alcohol,” ayon kay Marcos.

Sa pagdanig, isinumite ni Health Secretary Enrique Ona sa komite ang pag-aaral na isinagawa ng National Nutrition and Health Study noong 2008 na nagsasabing aabot sa P177 bilyon ang nawawala sa ekonomiya kada taon sanhi ng pagkakasakit ng mamamayan sa paninigarilyo.

“The passage of the Sin Tax Reform bill will prevent people from smoking and to increase revenue collection of the government,” ayon kay Ona.

Maliban dito, sinabi pa ni Ona na umaabot din sa 49,499 ang tinatayang namamatay sa pagkakasakit sanhi ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, ngunit walang maipakitang kasiguruhan ang Department of Health na may direktang salik ng tabako at alcohol sa naturang datos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply