Sindikato sa Aduana, no deal kay Biazon

TODO effort na ang ginagawa ng mga smuggler sa  Aduana para makalusot kay Customs Commisioner Ruffy Biazon pero negatibo pa rin ang resulta nito.

Hindi nila kasi  alam na pinag-aralan na ng lahat ni Biazon ang lahat ng pasikot-sikot sa BoC kaya’t  hindi sila makalulusot  dahil kahit ano ang kanilang gawing diskarte ay talagang hindi ito magtatagumpay.

Kahit ang mga bff at kaanak ni Biazon ay kanila na ring nilapitan pero lahat sila ay umuwing luhaan dahil inunahan na kasi ni Biazon ang kanyang mga kaibigan at kaanak na gusto niyang patinuin ang Aduana sa mga nagkalat na dorobo na nag-ooperate dito.

Malaking patunay dito ang halos araw-araw na“accomplishment report”ni Biazon na kung saan mayroong isang smuggler ang nasasampulan dahil sa bangis ng anak ni Pong Biazon.

Patunay rito ang bulto-bultong bigas na kanyang nasakote sa port ng Subic kamakailan na kung saan kung sa panahon ito ni Ate Glo nangyari ay tiyak na lusot na ito at ibinebenta na ito sa merkado.

Maraming napaiyak na magsasaka ang rice smuggling sa bansa sa panahon ni CGMA kaya’t tama lamang na ituwid na ngayon ang  baluktot na landas na dating nagging araw-araw na kalakaran sa Aduana dahil may blessing itong mga dating hari sa Malakanyang.

Sindikato ang binabangga ngayon ni Biazon kaya’t samahan natin siya sa tuwid na pakikibaka dahil tayong mamamayan ang kanyang ipinaglalaban dahil ang buwis na ninanakaw sa bayan ay kanyang ibinalik para sa mga proyektong pangkaunlaran na kailangang-kailangang ng taumbayan.

###

Todo ikot si Pangulong Noynoy Aquino nitong mga nakalipas na araw sa halos lahat ng lugar na sinalanta ni Habagat.

Kitang –kita kay PNoy ang kanyang malasakit sa mga biktima ng Habagat dahil bukod sa kanyang dalang relief goods ay mayroon siyang dalang solusyong proyekto na siyang reresolba sa mga pagbaha sa bansa.

Sa Valenzuela City at Marikina City ay nakita sa mga taong katuwaan dahil proyektong sagot sa problema ang dala ni PNoy.

‘Yan ang tunay na lider ng bayan dahil kitang-kita na hindi siya pang photo-ops lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply