Singil sa kuryente tataas ngayong buwan – Meralco

MATAPOS humupa ang pagbuhos ng malakas na ulan at bumababa ang tubig baha, tataas naman ang singil ng kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Agosto.

Ito umano ay dahil sa pagtaas ng generation charge noong July na nasa 28 centavos kilowatt per hour na.

Ayon sa Merlaco nagsara ang Malampaya Pipeline na pinagkukunan din ng enerhiya ng kanilang kumpanya na  naka-apekto sa natural gas fired plants sa Luzon.

Kabilang na rito ang Ilihan, Santa Rita at San Lorenzo.

Nabatid na ang Malampaya ay may 2,700 mega watts o may 40 % na sinusuplayan na kuryente sa buong Luzon kaya kinakailangan nang itaas ang singil ng kuryente o ang generation charge nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply