Sinita sa paglalasing, bebot tinaga ng ka-live-in

KRITIKAL ang isang babae nang tagain ng kanyang ka-live-in matapos sitahin ng una sa paglalasing sa Barangay Lumayang, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Claribel Delos Reyes, habang ang suspek ay Christopher Cabayacruz.

Nabatid na binisita ng biktima ang lalaki sa bahay nito nang maabutang nakikipag-inuman sa mga barkada.

Dahil dito, inaway ng biktima ang kalive-in na ikinagalit naman ng salarin.

Nang mabuwisit sa pagbubunga ni delos Reyes ay kumuha ng itak ang suspek saka tinaga ang biktima.

Sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan ang inabot ng biktima na patuloy pang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply