SK chairman nadaganan ng trak, pisak

DEAD on arrival ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman habang sugatan din ang dalawang anak nito makaraang madaganan nang tumagilid na six-wheeler truck na minamaneho mismo ng ama ng biktima sa Albay.

Nabatid na napuruhan ang ulo ng biktimang si Crizelle Serellano Nocellada, 17, 2nd yr college student, ng Brgy. Sto. Niño, bayan ng Camalig at nagtamo pa ng matitinding sugat at bali sa katawan.

Sa inisyal na ulat, nagkaroon ng mechanical failure ang naturang truck na may kargang aabot sa 15 sako ng kopra.

Paakyat na sana sa mataas na bahagi ng Brgy. Tagaytay patungong lungsod ng Legazpi ang sasakyan na minamaneho ni ret. Gen. Arellano, ama ng biktima, nang bigla na lamang itong tumagilid at madaganan ang kanyang anak.

Sa ngayon, nananatili sa ospital ang dalawa pang anak ng biktima na sakay din ng naturang truck nang mangyari ang aksidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply