SK Chairman patay sa saksak

UTAS ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman nang pagsasaksakin sa Taguig Street, Barangay Valenzuela, Makati kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jason Patrick Infante, 18.

Agad namang nahuli ang suspek na kinilalang si John Paul Buan ng Cogeo, Antipolo City.

Nabatid na hindi ang biktima ang puntiryang saksakin ng suspek kundi ang nakaaway nito na nire-rescue naman ng biktima.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply