SK tserman todas sa pananaksak sa Makati

NASAWI ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman habang dalawa naman ang sugatan makaraang  pagsasaksakin ng isang suspek sa kanilang barangay sa Taguig Street, Barangay Valenzuela, Makati kaninang madaling araw, Agosto 12.

Nakilala ang nasawi na si Jason Patrick Infante,18, matapos magtamo ng saksak sa dibdib.

Samantala, nasa kustodiya naman ngayon ng  Police Crime Investigation and Detection Group (CIDG) ng Makati ang suspek na kinilalang si John Paul Buan ng Cogeo, Antipolo City.

Ayon sa panayam sa radyo sa mismong kapatid ni Jason na si  Barangay Valenzuela Chairman Michael Infante, ang kasama niyang rescuer ang dapat sanang sasaksakin ng suspek ngunit nadamay ang kanyang kapatid kasama ang isang kagawad at isa pang rescuer.

“Ang una po dapat na sasaksakin ay yung rescuer ngunit ito’y nakailag, nung inawat po ng aking kapatid ay yung kapatid ko po ang nasaksak.”

“At hindi lang ho ang aking kapatid ang casualty, isang kagawad ng aking barangay, si Kagawad Erik Araneta at isa pang rescuer ang kritikal ngayon sa ospital,” sabi pa ng Brgy. Chairman.

Hindi pa rin mabatid ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply