Smart Gilas II isusunod ang team Korea

MAPAPALABAN bukas ang Smart Gilas II laban sa wala pang talong Korea sa nagaganap na 34th William Jones Cup Inernational Basketball Tournament sa TPEC gym sa Taipei.

Makikilatis ang PHL team kung hanggang saan itatagal ang tikas nila matapos nilang ilista ang malinis na 2-0 win-loss slate.

Una nilang pinisak ang powerhouse Jordan 88-78 at kahapon ay pinakain nila ng bola ang Chinese Taipei-B, 99-68.

Sa huling laro ng Nationals si former San Beda College Red Lions star player Garvo Lanete ang umusbong sa opensa matapos bumira ng 21 points.

Kumamada rin sina Larry Fonacier, Marcus Douthit at LA Tenerio ng 12 at tig 11 points ayon sa pagkakasunod.

Impresibo rin ang panalo ng mga Koreans laban sa Lebanon, 94-78 kung saan ay ang dalawang import na sina Juan Patillo at Garrett Stuts ang kanilang sinasandalan.

Sa first half pa lang ay halos wala ng buhay ang laro ng mga batang Chinese Taipei B ng tambakan agad sila ng Pinoy cagers, 32-53 sa pangunguna nina Douthit at Mac Baracael.

Kasama rin sina Gabe Norwood at Tenerio ng rumatsada ang Nationals.

Samantala, matapos ang laban sa Koreans ay susundan agad ito ng limang sunod na araw na laro ang tropa ni coach Chot Reyes.

Makakalaban nila ang Japan (Aug. 22), Lebanon (Aug. 23), Iran (Aug. 24), Chinese Taipei-A (Aug. 25) at USA (Aug. 26).

Ang nasabing event ay preparasyon ng Gilas para sa 4th FIBA Asia Cup sa Sept. 14-22 sa Tok­yo, ang qualifying para sa 2013 FIBA Asia Championships na regional eliminations naman ng 2014 FIBA World Cup.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply