Smart Gilas II kampeon sa 34th William Jones Cup

PANIBAGONG karangalan na naman para sa Pilipinas ang pagkakasungkit ng Smart Gilas Pilipinas II sa gintong medalya sa katatapos na 34th William Jones Cup na idinaos sa Taiwan.

Kahapon, August 26, pinatumba ng Gilas II ang Team USA sa dikit na iskor na 76-75.

Natapos ang kompetisyon na may 6-1 na win-loss record ang Gilas II.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napatumba ng Pilipinas ang koponan ng USA sa nasabing torneyo.

Hindi rin nagpadaig ang Pinoy cagers sa defending champion na Iran at kabilang sa winalis ng Gilas ang Chinese Taipei-A, Chinese Taipei-B, Japan, Jordan at South Korea.

Si LA Tenorio naman ang itinanghal na most valuable player.

Sa final game, nakapagtala ng 20 points ang dating point guard ng Ateneo de Manila University.

Si Tenorio rin ang naging susi para mahabol ng Pilipinas ang 13 kalamangan ng USA.

Sa huling 19 segundo ng laro, ang winning basket ni Tenorio ang nagbigay daan para maiuwi ng Gilas ang gintong medalya.

Kaugnay nito, ilang oras matapos manalo ang Gilas sa Jones Cup, ay inulan ng congratulatory messages ang Facebook at Twitter para sa tagumpay ng Team Pilipinas sa pamumuno ni coach Chot Reyes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply