Snatcher huli sa palahaw ng biniktima

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos magsisigaw ang bebot na hinablutan ng cellphone sa Valenzuela City kagabi (Martes, Agosto 14).

Nakilala ang suspek na si Jonathan Mercader, 30 ng Bagong Nayon, Bagbaguin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Joanna Bedrijo, 22 sa Happy Land, Marulas nang sumulpot ang suspek at hinablot ang kanyang cellphone.

Matapos makuha ang cellphone, ay nagtatakbo ang suspek habang nagsisigaw naman ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nakatambay na naging dahilan upang habulin si Mercader.

Naabutan ng mga tambay ang suspek at dinala sa presinto.

Nabawi naman ang cellphone ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply