Solenn Heussaff pinagtri-tripan ng young actor

AMINADO si Enrique Gil na nahirapan siya sa kanyang role sa Amorosa: The Revenge dahil masyado raw itong challenging at kakaibang-kakaiba sa mga papel na nagampanan na niya.

“Kasi ’yung role ni Rommel (pangalan ng karakter niya), siya ’yung laging may dinadala dahil nga ru’n sa isang pangyayari, du’n sa desisyon na ginawa ni Rosa (Angel Aquino).

“So, after nu’n, ’yung moment na ’yun, buong buhay niya, dala na niya ang sama ng loob and kahit mahal na mahal niya ’yung mommy niya, kahit ayaw niyang saktan, masakit, eh. Kaya hindi mo rin mapipigilan ’yung sakit na nararamdaman mo, kaya medyo mahirap ’yung mga eksena,” kuwento ni Enrique sa presscon ng Amorosa.

Sobrang busy ngayon ng young actor dahil magkasunod ang showing ng kanyang mga pelikula. Last Wednesday ay first day ng The Reunion at sa August 29, naman ang showing ng Amorosa: The Revenge.

Bukod pa rito ang serye niyang Princess and I na gabi-gabi nating napapanood at may gagawin pa siyang isang movie na sisimulan na raw nila this week, ang The Strangers under Quantum Films with Julia Montes and Enchong Dee.

Kaya kahit wala raw siyang tulog parati, masaya naman daw siya dahil sa magagandang opportunities na dumarating.
Kaya naman when asked about his lovelife, aniya ay zero raw.

“Wala nga, eh. Parang feeling mo, dapat meron, pero wala talaga, eh,” he said.

Ano ’yung tungkol sa kanila ni Sarah Lahbati? Bakit sila nali-link?

“Ano po ’yun kasi, sa Maynila, naging friends kami, tapos ’pag may mga party, lumalabas kami kasama nina Sam, ’yung PBB guys, so, siyempre, ’pag nagkasama, mapag-uusapan.

“Pero wala naman po, never kaming lumabas, or nagkausap kami ng kaming dalawa lang. Wala po talaga. Ni wala nga po kaming lumabas na picture na magkasama. Wala po talaga.”

Wala rin ba siyang nililigawan?

“Wala po talaga, pati nga kama ko, hindi ko na nakikita. Gusto kong ligawan ang kama ko. Wala po talagang time.
Pero meron naman siyang napipisil na ligawan pero hindi lang niya magawa since busy nga siya?

“’Yung pinaka-crush ko lang talaga, ‘yung sobrang crush ko talaga, si Solenn (Heussaff) talaga. Parang goddess talaga.”

Na-meet daw niya si Solenn two or three days ago sa Robinsons event at na-starstruck daw siya.

“Sabi ko, wow! Ang ganda pala niya talaga! Nagpa-picture pa ako sa kanya,” kuwento pa ni Enrique.

****
 
Lauren Young , di threat sa Elmo-Julie Ann tandem

DAHIL kaya sa bagyong Helen kaya sobrang hina ng opening day noong isang araw ng launching movie nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose? O sadyang wala namang fan base ang dalawang bagitong starlet at mali ang timing ng GMA 7 para gawin silang big stars?

On the other hand, sinasabing sabagal daw si Lauren Young sa love team ng dalawa dahil ito nga ang tunay na girlfriend ni Elmo.

Kailan lang lumipat na rin sa GMA 7 si Lauren at mimsong nanay ni Elmo na si Pia Magalona ang bago niyang manager. If this is the case, at kung true na sa tunay na buhay sila ni Elmo, hindi malayong isang araw patayin ang team up nina Elmo at Julie Ann at sina Lauren at Elmo ang pagtatambalin.

Hindi kaya?

Amidst all this, nag-deny si Elmo na nagsabing wala silang relasyon ni Lauren.

Pero sino pa’ng maniniwala, sino ang magpapaloko sa kanya? The rumor has been very persistent at marami ang sumusumpang sa tunay na buhay ay silang dalawa nga.

“It’s not true,” denial ni Elmo. “Lauren and her sister Megan are close to my own sisters, Maxene and Saab, and also to my brother Frank. They’re more of family friends at ‘pag lumalabas sila, sumasama ako so it’s always a group outing.
Never kami lumabas na kaming dalawa lang ni Lauren, so hindi talaga kami. I’m not even courting her as I just don’t have the time considering how busy I am with work right now.”

Bakit nga raw si Pia na nanay niya ang bagong manager ni Lauren?

“I don’t really know about that. I don’t know about the career path she wants to take. As of now, ang focus ko, ‘yung love team namin ni Julie Ann and I want to assure our fans na wala silang dapat ipag-alala. No one is a threat to our love team so they should all support our TV show, ‘Together Forever,’ now on Saturdays, and our first movie, ‘Just One Summer’.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply