Solon kay Sereno: Manghikayat ng mga babaeng abogado

HINIMOK ni House Deputy Speaker Erin Tañada ang bagong talagang Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno na maghikayat pa ng mas maraming babaeng abogado na pumasok sa hudikatura.

Ani Tañada, ang pagkakatalaga kay Sereno na punong mahistrado Korte Suprema ay siguradong magsisilbi umanong inspirasyon sa mga kababaihang abogado upang makumbinsi ang mga ito na punan ang mga bakanteng posisyon at kakulangan ng mga hukom.

Sinabi pa ng kongresista na mareresolba lamang ang maraming bakante sa SC na siyang unang dahilan ng pagkabinbin ng maraming kaso kung darami ang mahihikayat na pumasok sa SC.

Ipinaliwanag pa ni Tañada na bagama’t trabaho ng Judicial and Bar Council at ng executive ang paghimok at pagkuha ng mga court personnels ay responsibilidad naman at prerogative ng judiciary ang pagsusulong ng mga posisyon at pagtiyak na nagagawa ng mga empleyado ang kanilang trabaho.

Kasabay nito ay nagpahayag din ng pangamba si Anakpawis Rep. Rafael Mariano na kontrolado na diumano ng kampo ng Cojuanco at Aquino ang SC sa pagkakatalaga kay Sereno.

Dahil dito nanawagan si Mariano kay Sereno na buwagin na ng SC ang paghahari-harian diumano ng mga kaanak ni Pangulong Aquino sa Hacienda Luisita.

“The Cojuangco-Aquino camp, now emboldened with their control over the Supreme Court will not prevail on their attempt to maintain stronghold of Luisita. Our urgent assignment for the newly-installed Chief Justice – break-up the land monopoly and immoral control of Cojuangco-Aquinos’ on Hacienda Luisita and distribute the lands to farmers-beneficiaries,” giit ni Mariano.

Mananatili aniya ang pangamba ng taumbayan kay Sereno hangga’t hindi nito naisasakatuparan ang hamon.

“Until Chief Justice Sereno accomplishes that decisive challenge, we will regard the Supreme Court as an appendage of Malacanang.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply