Solon may agam-agam kay Chief Justice Sereno

MAY agam-agam si Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino sa pagkakatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III kay Justice Maria Lourdes Sereno bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema.

Ayon kay Palatino, si CJ Sereno ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Aquino at ito rin aniya ang nagsulong na magkaroon ng mas mataas na kompensasyon ang mga Cojuanco sa Hacienda Luista kontra magsasaka.

Giit pa ni Palatino na pairalin sana ni Sereno ang reporma at huwag ang “Aquino court.”

“Sereno wanted the Cojuangcos to be given higher compensation in the Hacienda Luisita ruling. This is disturbing, as early on in her career, it was already apparent whose side she is vouching for,” sinabi ni Palatino.

Samantala, sinuportahan naman ng ilang mambabatas ang pagkakatalaga kay Sereno bilang bagong Chief Justice.

Ayon kina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Quezon City Rep. Winston Castelo, welcome development ang pagkakapili kay Sereno bilang bagong pinuno ng Kataas-taasang Hukuman.

Isa rin anila itong malaking hamon sa punong mahistrado bilang kauna-unahang babae na naitalaga bilang Chief Justice sa kasaysayan ng Pilipinas.

Umaasa sina Castelo at Evardone na sa pag-upo ni Sereno ay magdadala ito ng malaking pagbabago sa sistema ng hudikatura sa bansa at magbibigay ng mga bagong ideya at bagong simula para sa institusyon.

“It’s a wise choice. Newly designated Ma. Lourdes Sereno will certainly bring a fresh wind of change to the Judiciary. CJ Sereno will lead the reforms in the Judiciary to rid it of corruption and congestion of cases. As the Ideological partner  of the President, she is expected to bring the reform agenda to the Judiciary,” ayon kay Castelo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply