Solons ipinatawag ni PNoy para sa RH bill

KINUMPIRMA ni House Majority Leader Neptali Gonzales na muling makikipagpulong bukas ang mga kongresista kay Pangulong Benigno Aquino upang ibahagi ang kanilang pananaw kaugnay sa Reproductive Health (RH) bill.

Sinabi ni Gonzales na bukod sa mga kaalyado ng pangulo ay inimbitahan din ang iba pang grupo kabilang na ang mga taga-minorya.

Nais, aniya, ng pangulo sa kaniyang imbitasyon na marinig ang opinyon at saloobin ng mga kongresista ukol sa House bill 4244 o ang RH bill.

“Gusto lang ng presidente na sabihin sa amin ang pananaw niya sa RH bill. Bahala na ang mga miyembro na tanggapin ito. i dont expect the president will tell us how to vote,” ani Gonzales.

Sa Martes ay nakatakdang pagbotohan ng mga kongresista kung dapat na bang i-terminate ang debate sa RH bill.

Dagdag pa ni Gonzales na mahigit sa 150 mambabatas na ang nagkumpirma sa imbitasyon ng pangulo subalit hindi lamang umano silang mambabatas ang  naimbitahan kundi iba pang grupo.

Hindi naman masabi ng lider ng Kamara kung magbibigay ng marching order ang pangulo para itigil na ang debate sa kontrobersyal na panukala subalit nilinaw nito na ang party stand ng Liberal party (LP) kaugnay dito ay conscience vote sila.

Dahil sa magbobotohan na sa Martes, Agosto 7, sa magiging kahihinatnan ng RH bill ay inaasahang iba’t ibang grupo ang magsasagawa ng rally sa Batasan complex.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply