Solons nakikiramay sa pamilya Robredo

NAGPAABOT ng pakikiramay ang liderato ng Kamara sa pamilyang naulila ni Secretary Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales II na mahirap mawalan ng haligi ang isang pamilya.

Ngunit mas malaking kawalan aniya ito sa administrasyong Aquino.

“Ako kasama ng sambayanang Pilipino ay ikinalulungkot at ipinagdadalamhati ang maaga niyang pagpanaw. Mahirap at masakit para sa isang pamilya ang mawalan ng haligi ng tahanan. Ngunit higit pa dito napakalaking kawalan sa administrasyon ni PNoy ang pagkawala ng isang magiting, masipag at mabait na tao sa katauhan ni Sec. Robredo.  Napakalaking sapatos ang pupunan ng papalit sa kaniya,” ayon kay Gonzales.

Ngunit higit dito ang pagdadalamhati ng mga Bicolano na nawalan ng dalawang haligi at lider ng pamahalaan sa loob lamang ng isang linggo.

Ito ang labis na ipinagdaramdam at ikinalulungkot ng Ako Bicol Partylist matapos masisid ang katawan ni Jesse Robredo.

Sa isang text message, sinabi ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na masakit tanggapin ang mawalan ng tinitingala at mga iginagalang na lider na sumalamin sa isang matuwid na landas na tinahak at huwaran sa pagsisilbi sa bayan.

“Dobleng dagok ito sa amin dahil sa loob ng isang linggo nawalan kami ng dalawang masisipag, dedikado at sinserong tao na pawang higante sa pagsilsilbi sa taumbayan – Sec. Jesse Robredo at Sorsogon Rep. Salvador “Sonny” Escudero III.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply