Solons sa mga negosyante: Kalamidad ‘wag samantalahin

NANAWAGAN ang ilang mambabatas sa mga negosyante na huwag samantahin ang kalamidad upang magtaas ng ng presyo ng kanilang tinda.

Giit pa ni San Juan Rep. JV Ejercito-Estrada, dapat iwasan ng lahat ng distributors ng mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo at huwag idahilan na nagkaroon ng karagdagang gastos sa pagbiyahe ng mga paninda.

Tinukoy pa ni JV ang mga agricultural product na tumaas ang presyo sa pamilihan dahil sa pagkasira ng pananim at dagdag na gastos sa pagbiyahe sa mga ito.

“I appeal to distributors not to follow suit but rather moderate their business interests. If normally they have a 30-50 percent mark-up as profit, maybe they can reduce it to 10-20 percent profit margin, to cushion the effect of production and transportation increase,” ani JV.

Sinabi pa nito na ikonsidera sana ng mga negosyante ang negatibong epekto ng malawakang pagbaha sa buong Metro Manila na dulot ng Habagat.

Nauna ng kinondena ni Isabela Rep. Rodolfo Albano ang ilang kompanya ng langis na hindi nagpapigil sa naganap na pagbaha dahil nagpatupad pa rin ang mga ito ng oil price hike.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply