Solusyon sa baha pinaaapura ni PNoy

SOLUSYON at hindi papogi lamang ang sagot ni Pangulong Benigno Aquino sa lumalalang problema ngayon ng bansa sa baha.

Ito ang kaibahan ni PNoy sa mga naging lider ng bansa dahil nakita niya ang pangangailangan ng dagliang aksyon sa grabeng pagbaha sa halos lahat ng panig ng Pilipinas lalo’t higit sa Metro Manila.

Sa naturang obserbasyon ng Pangulo, kaagad namang gumawa ng programa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maibsan ang pagbaha sa bansa na posibleng magpabagsak sa papagandang ekonomiya ng ‘Pinas.

Mayroon nang pangmatagalang solusyon ang DPWH sa pagbaha partikular na sa Metro Manila at karatig lalawigan gaya ng pagtatayo ng dike, mini dams at iba’t ibang flood control project na siyang solusyon sa delubyong dinaranas ng bansa sa tuwing sasapit ang tag-ulan.

Kitang-kita naman natin sa telebisyon at pahayagan ang grabeng unos at nakapanlulumong sitwasyong inabot ng mamamayan ng Metro Manila at karatig lalawigan nitong nakalipas na Habagat at talaga namang pinsalang bonggang-bongga ang inabot ng madla dahil umabot na sa 100 katao ang nasawi at marami pa ang nawawala.

Agarang  aksyon ang tagubilin ng ating Pangulo sa DPWH at iba pang ahensiya ng pamahalaan may kinalaman sa naturang proyekto kaya’t dapat din natin itong tutukan dahil baka maging usad pagong na naman ang mga flood control project na lubhang kailangang-kailangan na ng sambayanang Filipino.

###

Todo ang iyak ng mga taga-Pampanga sa kanilang inaabot ngayong pagbaha sa lalawigang pinagmulan ni Ate Glo.

Nariyan din ang pagbibigay ng suhestiyon at solusyon ng mga lokal na opisyal ng lalawigan lalo’t higit si Candaba Mayor Gerry Pelayo na isang matapat na alagad ni Cong. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagtataka lang tayo kung bakit ngayon lamang sinasabi ni Pelayo at ng iba pang opisyales ng Pampanga ang solusyon gayung ilang taon din namang nakaupo sa Malakanyang ang kanilang kabaleng si Gloria.

Mahirap sabihing nagpapogi lamang si CGMA noong panahon niya o nagpapapogi lamang si Pelayo sa ngayon pero isa lamang ang tiyak: isang Kapampangan ang may kasalanan kung bakit hindi nasolusyunan ang baha sa nasabing lalawigan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply