Sotto dinamayan ni Barbers vs RH bill

NAKAHANAP ng karamay si Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto sa kanyang paninibugho at kapighatian dahil sa mga contraceptive at sa napipintong pagpasa ng Reproductive Health Bill sa Kongreso.

Ito ay makaraang ihayag ni Nacionalista Party spokesperson Robert Ace Barbers na siya man ay dumaan sa ganung kapighatian nang mamatay ang una nilang anak ng kanyang asawang si Badette noong 1992 dahilan din sa pag-inom ng kanyang misis ng birth control pills na ‘di naman umubra.

Tulad ng nangyari kina Sotto at sa asawa niyang si Helen, nag-pills din ang mag-asawang Barbers na noo’y nasa early 20s pa lang.

Ang kaso, nagbuntis pa rin si Badette at ipinanganak noong 1992 sa Manila Medical Center ang unang anak nila ni Ace na si Robert Lance.

“Ang kaso, ‘di maisplika ang sakit ng anak ko at sinabing ‘sudden infant death syndrome’ lang ito. Namatay siya pagkatapos ng apat na buwan,” ani Barbers, dating congressman at gobernador ng Surigao del Norte.

Naging lubhang masakit ito sa pamilya, lalo na para kay Robert Barbers, na noo’y congressman ng Surigao del Norte.

“Napaiyak nga si tatay e. E alam n’yo naman kung gaano ka-macho si tatay e. Mabigat talaga nung nawala si Robert Lance,” sabi pa ni Barbers.

“Dito ko nga napag-isipan e. Kung sa kagaya ng anak ni Sen. Sotto ay nangyari yun 37 years ago. Sa Robert Lance ko naman nangyari na dapat ay bente anyos na, ano pa ba ang mangyayari?” idinagdag pa niya.

Idinagdag pa ni Barbers na itinatawid na ng mga henerasyon ang isyu ng family planning o sa pagko-control sa paglago ng mga pamilya.

“Sotto o Barbers? Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Ang pag-usapan natin ay ang gusto ng Diyos. Doon tayo dapat bumalik sa Kanya!” pagtatapos nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply