Sotto ipinagtanggol ni Enrile sa mga kritiko

IPINAGTANGGOL ni Senate President Juan Ponce Enrile si Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa mga bumabatikos sa umano’y pangongopya ng maraming parirala sa isang American blogger sa kanyang turno en contra speech kamakailan sa Senado hinggil sa Reproductive Health bill.

Sa panayam ng radio, sinabi ni Enrile na hindi dapat ipokus ang argumento sa nilalaman ng speech ni Sotto kaysa batikusin ang senador sa sinasabing pangongopya tulad nang pagbatikos ng karamihan sa mga social media sites.

“We should focus on the points raised by Sen. Sotto, not the death certificates which he only used to explain his position on the bill. We believe what we are doing is for national good. We respect their position, but we should not nail Tito to the cross because of what happened to his family,” ayon kay Enrile.

Aniya, inamin naman ni Sotto na produkto ng pananaliksik ang kanyang talumpati na tulad nang pagbigkas ng Hamlet na alam nang lahat na galing ito kay William Shakespeare.

“If it is true that he copied it, why not using it. He admitted that it is a product of their research for our sources but he admitted it was based on research. May kaisipan pa ba tayo dito sa mundong ito na hindi kinokopya sa iba? Those are sources of democracy in the world. No one owns it, it was being copied. Unless you copyrighted it, no one can copy it. If you recite Hamlet, you know it was Shakespeare,” giit ni Ernile.

Sinabi pa ni Enrile na hindi dapat inaatake o binabatikos si Sotto nang personalan bagkus suriin nang mabuti ang merito ng panukala na sa kanyang paniniwala may pangangailangan ito sa susunod na henerasyon.

“Don’t attack him personally, kinopya, ginawa nya ang karasanan sa anak. Hindi ba puwedeng gamitin ang karanasan mo tulad ko na nakaranas ng giyera hindi ko ba puwedeng gamitin iyon,” aniya.

Tiniyak pa ni Enrile na hindi rin siya maghahayag ng sariling turno en contra, bagkus itutuloy ang period of amendments sa panukala, pagbobotohan ng miyembro ng Senado.

“I have no turno en contra, we don’t even had a timetable. We always vote for every issue,” patapos ni Enrile.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply