SPD official utas sa ambush sa Pasay City

PATAY ang isang opisyal ng Southern Police District (SPD) nang tambangan ng armadong “riding in tandem” habang naglalakad sa Pasay City.

Binawian agad ng buhay si Insp. Virgilio Sinlao, nakatalaga sa Tactical Operation Center (TOC) ng SPD sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na pawang armado ng hindi pa nabatid na baril na agad tumakas sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Ayon kay Pasay City police chief Sr. Supt. Melchor Reyes, naganap ang insidente ng pamamaslang sa Solitaria St, sa harapan ng Lucky 12 Junk Shop dakong ala-1:30 ng hapon.

Kasalukuyang inaalam pa ang motibo ng pamamaslang lalo na’t wala namang tinangay na anumang gamit sa biktima na noon ay nakasuot ng maong pants, itim na polo at may itim na belt bag sa kanyang baywang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply