SPD officials kinasuhan ng retired army

SINAMPAHAN ng patung-patong na kaso sa piskalya ang matataas na opisyal ng Southern Police District (SPD) ng isang dating sundalo sanhi ng kahihiyang inabot nito makaraang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan nang mapagbintangang gunrunner, may dalawang buwan na ang nakalilipas sa Taguig City.

Nagsampa ng kaso si dating Philippine Army Master Sergeant Rodolfo Romero, 56, tumatayong chairman ng Bantay Bayan at pangulo ng homeowners association sa Palar Village, Barangay Pinagsama, Taguig City laban kina SPD Director Chief Supt. Benito Estipona, SPD Special Operations Unit head Chief Insp. Danilo Mendoza and kanyang deputy na si Insp. Fernando Cardona, SPO2 Gomercindo Cagnayo at isang Alberto Nuesca.

Sa impormasyon ni Atty. Ernesto Mendoza, abogado ni Romero, paglabag sa Article 129 ng Revised Penal Code o Search Warrant maliciously obtained, Perjury, Incriminating Innocent Person at Unjust Vexation ang kanilang inihaing kaso sa mga opisyal sa Manila Prosecutors Office.

Batay sa rekord, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Romero noong Hunyo 15, 2012 sa pangunguna ni Chief Insp. Mendoza sa bisa ng search warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court Judge Marino dela Cruz kung saan nakalagay ang address ng kanyang kapitbahay at hinahanap ang dalawang M16 armalite rifle at mga magazine.

Sinabi ni Atty. Mendoza na nakaalarma sa mga kaanak at kapitbahay ni Romero ang paglusob ng mga armadong mga pulis na naging dahilan upang malagay sa kahihiyan ang pagkatao ng kanyang kliyente gayung wala namang nakuhang mga armas dito.

Idinugtong pa ni Atty. Mendoza na pinalalabas ng pulisya na gunrunner ang kanyang kliyente subalit kung sinuri lamang mabuti ng awtoridad ang bahay ni Romero, hindi sila magkakamali lalo na’t numero ng kabilang bahay ang nakalagay sa warrant.

Ipinaliwanag pa ni Mendoza sa kanilang inihaing kaso sa piskalya na si Romero ay hindi isang kriminal o gunrunner lalo at naging tapat siya sa tungkulin bilang sundalo sa loob ng 25-taon bago nagretiro noong taong 2000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply