Special agent ng NBI dedo sa sekyu

BLANGKO ang mga tauhan ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD) na matukoy ang tunay na dahilan sa naganap na barilan sa loob mismo ng National Bureau of Investigation (NBI) compound kaninang pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Batay impormasyon, namatay sa naganap na barilan si NBI Special Agent 3 Honorado Ocampo matapos makabarilan ang security personnel na si Oscar Cabebe.

Ayon kay Capt. Joey Ocampo, hepe ng Homicide Section ng MPD, tumanggi ang NBI na papasukin sila sa compound para mag-imbestiga sa krimen dahil kailangan pa umanong kumuha ng clearance mula sa mga opisyal ng NBI.

Nabatid na tumanggi si Cabebe na ikulong ang isang suspek na pilit pinakukulong ni Ocampo sa NBI dahil sa kawalan ng kaukulang papeles.

Nauna rito, nagtalo ang NBI agent at security personnel na nauwi sa barilan dahilan nang pagkamatay ni Ocampo na tinamaan ng bala sa kaliwang dibdib samantalang naka-confine pa sa Medical Center Manila si Cabebe na may tama naman ng bala sa kanyang binti.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply