Special treatment kay De Lima, itinanggi

ITINANGGI ng Malakanyang na binibigyan ng special treatment ni Pangulong Benigno Aquino III si Justice Secretary Leila de Lima kaya’t pinatulungan na ang kalihim sa legal team nito sa kinahaharap na disbarment case.

“I am not privy to the details of the assistance that the President mentioned,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sabay sabing “Katulad ng sinabi ng Pangulo, ‘yung shortlist po ng JBC ang kanyang hinihintay.”

Sa ulat, tila nais ni Pangulong Aquino na mapasama ang pangalan ni Sec. de Lima sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC).

Sa katunayan, sinabi mismo ng Pangulo na tinatrabaho na ng kanyang legal staff at tinutulungan na si De Lima kaugnay sa problemang kinakaharap sa JBC.

Matatandaang namemeligrong ma-disqualify si De Lima na nominado sa pagka-chief justice kung hindi nito malinis ang pangalan sa kinakaharap na disbarment case.

Ayon naman sa Pangulo, hihintayin na lamang na matapos ang deliberasyon ng JBC at pipili na lamang sa shortlist.

“Tinatrabaho ng ating legal staff, tinutulungan siya, at siguro hintayin na natin matapos ‘yong processes ng JBC before I make a comment. As you know, I have to wait for that list before I can decide,” ayon kay  Pangulong Aquino.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply