‘Special voters registration booths’ ilalaan sa mga bilanggo, PWDs

MAGLALAGAY ng ‘special voters registration booths’ sa New Bilibid Prison (NBP) at sa mga mall ngayong linggo ang Commission on Elections (Comelec).

Nagtungo kaninang umaga ang mga opisyal ng Comelec sa NBP sa Muntinlupa para sa special registration ng tinatayang 3,000 mga bilanggo para makaboto sa 2013 elections.

Nakatakda naman na maglagay ng mga booth sa mall ang Comelec sa Sabado, Agosto 11, para sa mga botante na may kapansanan o person with disabilities (PWDs).

Layunin ng ahensya na huwag nang mahirapan ang mga may kapansanan sa pagpila at maging ang mga bilanggo na binigyan pribilehiyong magamit ang kanilang karapatan sa pagpili ng mga mamumuno sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply