Sports la’ang

NOONG araw, yan ang title ng segment ko sa ABS-CBN na bigay sa akin ng aking mentor na si Jake Maderazo. Napili niya yan dahil, sabi niya, malamang maraming mapikon sa akin kahit sports na nga lang ang ibinabalita ko.

Buweno, malamang hindi ko na kailangang mang-asar pa ngayon dahil nakapipikon naman talaga ang sitwasyon natin sa 2012 London Olympics. Una, nagpadala nga tayo ng mga manlalaro, pero iilan lang na para bang token lang sa Britanya na maipakitang kasali pa rin tayo, kahit saling pusa. Tapos, sobrang demoralized ng mga atleta natin kahit mahusay talaga sila, medyo kalog ang tuhod. At bakit hindi, eh sandamakmak na suporta yung dala ng lahat ng kalaban nila samantalang sila saling pusa lang nga.

Ang masakit pa nito, sa sobrang walang kuwenta natin sa Olympic scene, kahit sobrang obvious na yung ginawang pang-gugulang sa boxer nating si Mark Barriga, ni hindi pinansin yung apela natin. Hindi ma-kikita sa diplomatic community ang totoong reputation ng isang bansa, laging proper manners and correct procedures ang sector na ito.

Pero sa sports, dito makikita kung ano ang tingin sa atin ng buong mundo. Dahil dito, walang pakialam sa diplomasya o giyera o international relations ang mga judge at referee.

Sa Olympics, mga individual na may mga bias at personal judgement ang naghahari. Kung wala silang respeto o takot sa isang bansa, hindi nila ito bibigyan ng kahit anong puwang. “We will not be given any quarter or reprieve” sabi nga ni Abraham Lincoln. Ang Olympics ay isang labo-labong giyera na walang sinasakop kundi pride at global ranking and reputation.

Kaya kung gastusan ng malalaking bansa ang kanilang atleta ay ga-nun na lang. May mga bansa nga na kapag nakakuha ng ginto ang atleta, habambuhay na pensiyonado na agad. Ito rin ang dahilan kung bakit ga-nun na lang kasakit, katindi at sobrang hirap ng training ng mga bata sa China at Russia para sa mga Olympic hopeful nila.

Dahil hindi po Sports La’ang ang Olympics. Isa rin itong larangan ng giyera, ng bakbakan sa arena ng mundo. Dito maipakikita na kahit maliit na bansa ka, kung kaya mong lumaban ng sabayan dito, kaya mo rin si-lang labanan sa labas.

Pansinin ninyo ang mga nananalo, yung kayang manggiyera o lumaban ng giyera. Eh tayo kaya? At habang saling pusa tayo sa Olympics, ha-bang parang bakla tayo kung sumali, na isinusubo pa natin ang mga ma-gigiting nating manlalaro para lang magmukhang okay tayo, asahan ninyo na wala tayong respetong makukuha sa kanila.

Asahan natin na patuloy ang pag-bully sa atin ng China at pagwalang bahala sa atin ng Amerika at iba pa nating kaalyado. Dahil kung sa maliit na bagay eh wala tayong kuwenta, ano pa kaya ang aasahan nila sa malalaking bagay. Hindi ko sinasabing ganun tayo, sinasabi kong ganun ang tingin nila sa atin. At sa mundo, ang reputasyon mo ang katotohanan nila. React sa ira_p@hotmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply