Stags sisikwatin ang 7-game W streak

NAIS sikwatin bukas ng last year’s runnerup San Sebastian College Stags ang panalo kontra Mapua Cardinals upang masolo ang unahan sa nagaganap na 88th NCAA seniors basketball competition The Arena sa San Juan.

Kasalo ng Stags ang two-time defending champion San Beda College Red Lions na may tig 6-1 win-loss slate.

Matapos matalo sa opening game ang SSC kontra host school Letran Knights, 74-80 ay kumadena na ito ng anim na sunod na panalo sa pangunguna ni reigning MVP Calvin Abueva.

May tig-dalawang laro na lang ang Stags at Red Lions bago matapos ang first round subalit maaaring may sumalo sa kanila sa tuktok bago magsimula ang second round dahil nakaanino sa kanila ang Perpetual Help Altas at Jose Rizal University Heavy Bombers.

May 6-2 panalo-talo ang Altas at Heavy Bombers.

Bago ang rambulan ng Stags at Cardinals ay mauuna muna ang bangayan ng Altas at Arellano U Chief sa alas 4 ng hapon.

Samantala, sumalo ang Red Lions sa top spot matapos lapain ang Heavy Bombers, 62-37 kagabi.

Tinapos naman ng Emilio Aguinaldo College Generals ang kanilang seven-game lossing streak ng paluhurin nila ang College of Saint Benilde Blazers, 76-61 sa nasabing venue.

Tapos na ang nine games ng Generals at papasok na sila sa pangalawang ikot bitbit ang 2-7 baraha kapareho ng Lyceum of the Philippine Pirates.

Solo sa fifth place ang Knights pasan ang 4-3 card habang pang-anim ang Blazers tangan ang 3-6 record.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply