State funeral ni Sec. Robredo inihahanda na

NAGSASAGAWA na ngayon ng clearing operations ang Philippine National Police (PNP) sa mga kalsada na daraanan ng funeral cortege ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Naga City.

Sa ulat sa radto, nabatid na maglalakad lamang ang mga maghahatid kay Sec. Robredo sa huling himlayan kabilang ang immediate family, kaanak, Pangulong Benigo Aquino III at miyembro ng kanyang Gabinete.

Hanggang alas-otso ng umaga ay bukas ang public viewing sa labi ng kalihim at dakong alas-10:00 ay sisimulan na ang funeral mass.

Igagawad naman ni Pangulong Aquino ang Philippine Legion of Honor sa ranggong chief of commander sa kalihim.

Kagabi, dinagsa pa rin ng mga nakikiramay ang huling gabi ng burol ng kalahim.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply