State of calamity aprub sa Sanggunian ng Caloocan

TULUYAN nang ibinaba ang State of Calamity sa Caloocan City matapos lagdaan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ang isang resolusyon na nag-aatas kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri na gamitin ang calamity fund upang muling isaayos ang mga sinira ng malakas na ulan dulot ng hanging habagat.

Base sa resolution no. 1993 s. 2012 na nilagdaan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, inaatasan nito si Echiverri na gamitin ang calamity fund para sa reliefs, rehabilitation, reconstruction, medical services at iba pa upang

ayusin ang mga sinira ng matinding pag-ulan na naranasan sa buong lungsod nitong mga nakaraang araw.

Nakasaad pa sa tatlong pahinang resolusyon na “there is a need for the city government to immediately respond to the damages caused by torrential rains by releasing the calamity fund to restore order in the city and help the families gravely affected by such disaster; and Whereas, the calamity fund shall specifically be used for rehabilitation of infrastructure facilities, reliefs, purchase of medicines, medical supplies and for related purposes”.

Napag-alaman pa na noong Huwebes (August 9, 2012) nang magpatawag ng special session ang Sangguniang Panglungsod upang maaprubahan ang naturang resolusyon na siyang makatutulong sa lokal na pamahalaan na matulungan ang mga apektadong pamilya.

Ayon naman sa nakalap na impormasyon kay Caloocan City Chief of Police, Sr. Supt. Jude Wilson Santos, isa ang namatay matapos mabagsakan ng poste ng Manila Electric Company (Meralco) na nakilalang si Dexter Esmali ng Bagong Silang habang namatay din ang batang si Irene Cubarubias, 4-anyos ng Barangay 182 na nalunod naman sa baha.

Bukod sa dalawang nasawi, apat na katao rin ang nawawala na nakilala lamang sa mga pangalang Rodolfo, mga anak na sina Arlene, 4-taong gulang at Laida, 6 habang pinaghahanap pa rin si Jerome Naval, 17 ng Phase 10, Bagong Silang.

Ayon pa sa report ng pulisya, isang bahay din ang napaulat na nasunog sa Phase 1, Package 2, Bagong Silang na agad namang naapula ng mga rumespondeng tauhan ng pamatay sunog kaya’t walang nasaktan o namatay.

Base naman sa isinumiteng ulat ng Caloocan City Social Welfare Department (CCSWD), umabot sa 10,489 pamilya ang naapektuhan ng matinding pag-ulan dulot ng hanging habagat sa buong lungsod na dinala sa 56 evacuation centers.

Samantala, nagtungo naman sa Bagong Silang, Caloocan City si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III noong Huwebes (August 9) kung saan ay kasama ito ni Echiverri na namigay ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan naman si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga opisyal ng barangay sa buong lungsod na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa pagsasaayos ng mga sinira ng malakas ng pag-ulan dulot ng hanging habagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply