Street sweeper lasog sa nakatulog na ex-US Navy

LASOG ang katawan ng isang street sweeper nang suwagin ng sasakyan na minamaneho ng isang retiradong US Navyman sa Baguio City kaninang umaga (Agosto 23).

Dead on arrival sa Baguio General Hospital and Medical Canter sanhi ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktimang si Helen Aspilan, 50, ng Barangay Greenwaters, Baguio City.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspect na si Robert Manrique, 54, ng Barangay Scout Bario.

Naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Loakan Road, 1st Gate ng Camo John Hay, sa Baguio City.

Ayon sa ulat ng pulisya, bago ang insidente ay binabaybay ni Manrique ang 1st gate ng Camp John Hay at patungo sa sentro ng siyudad nang bigla itong makaidlip.

Sinabi ni Manrque na namalayan na lamang niyang rumaragasa na pala ang kanyang takbo at natumbok ang biktimang nagwawalis sa kalsada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply