Subcontracting ng manggagawa tututukan

TUTUTUKAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kaso ng mapang-abusong ‘subcontracting’ ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Kaugnay nito, bumuo ang DOLE ng isang team na tututok sa naturang mga kaso.

Ayon kay DOLE-NCR director Alan Macaraya, partikular na tututukan ng nasabing monitoring team ang mga fly-by-night at unqualified subcontractors na umaabuso sa mga manggagawa.

Inamin din ng ahensiya na hindi na mapipigilan ang subcontracting, kaya ginagawa na lamang nila ang lahat upang hindi naman maabuso ang mga empleyado.

Nabatid na ang pagbuo ng tripartite monitoring team ay kasunod na rin ng isinagawang consultative assemblies sa Tripartite Industrial Peace Council (RTIPC) ng rehiyon.

Si Macaraya ang tatayong chairperson ng monitoring team, habang si NCR Assistant Regional Director Benjo Santos Benavidez naman ang magsisilbing “alternate chairpersonl.

Partikular na titiyakin ng tripartite monitoring team na masigurong nakasusunod ang mga kumpanya sa labor standards compliance and implementation at mga probisyong nakasaad sa Department Order 18-A o Strengthening the Rights of Contractual Employees & Imposing Obligations on the Contractors.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply